Balik-bansa na ang anim na Overseas Filipino Workers o OFWs mula sa Saudi Arabia.
Base sa ulat, may mga iniindang karamdaman ang mga ito at pawang mga undocumented nang magtungo sa ibang bansa.
Ayon sa Philippine Consulate at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, kabilang sa mga na-repatriate na mga OFWs ay ang dalawang menor de edad at isang worker na 14 taon nang undocumented.
Sa kasawiang palad naman, may isa pang OFW na may malubhang sakit ang nakatakda rin sanang umuwi ng bansa ngunit ‘di ito natuloy matapos na bawian siya ng buhay habang ginagamot sa isang ospital sa Saudi Arabia.
Sinagot naman ng Department of Foreign Affairs ang halos dalawang milyong pisong halaga ng hospital expenses ng nasawing OFW.