Walang karapatan ang amerikanong singer at aktres na si Bette Midler para batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ng Malacañang matapos ihanay ni Midler ang pangalan ng pangulo sa mga pinunong naging diktador sa iba’t ibang bansa sa tweet ng aktres hinggil kay U-S president Donald Trump.
Ayon kay Presidential spokersperson Salvador Panelo, may karapatan si Midler para batikusin ang kanilang bansa bilang bahagi ng umiiral na freedom of expression sa Amerika.
Gayunman, wala aniya sa lugar si Midler para magbigay ng mga komento laban sa lider ng ibang bansa na hindi naman nito personal na kilala.
Tinawag din Panelo si Midler bilang gullible o mapaniwalain sa mga walang batayang balita.
Samantala, hinimok naman ng kalihim si Midler na balikan ang naging awitin nitong “from a distance” para makita aniya ang isang foreign leader mula sa malayong bansa sa mas positibong pananaw.