Pumalo na sa 56 ang kumpirmadong nasawi habang hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng mga nawawala sa nangyaring landslide sa Northwestern Kenya.
Batay sa ulat, nagsimula bumuhos ang hindi pangkaraniwang lakas ng ulan sa West Pokot county malapit sa border ng Uganda noon pang Biyernes, Nobyembre 22.
Nagdulot aniya ito ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar gayundin ng pagkasira ng apat na tulay dahilan naman kaya na-isolate ang ilang mga bayan.
Sinabi naman ni Samuel Poghisio, isang senador sa Kenya, nagiging pahirapan ang rescue operations sa ilang mga apektadong residente dahil sa nararanasan pa ring ulan at fog.