Ikinadismaya ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez ang pagpapalaki sa mga naranasang aberya ng ilang atletang kalahok sa SEA Games.
Ayon kay Fernandez, hindi na bago ang ganitong aberya at normal lamang na nangyayari ito sa mga sports event.
Naranasan aniya ito ng mismong Philippine delegation sa SEA Games na idinaos sa Malaysia noong 2017.
Pinalalaki lamang aniya ito ng mga taong walang magawa sa halip na suportahan na lamang ang bansa sa hosting nito sa SEA Games.
Pinalaki lang ng mga gustong sirain yung hosting natin, yung mga bashers so, pinalaki lang nila, wala naman, in fact kung mabasa mo yung comment ng coach nung Myanmar sabi nila wala sa amin yang issue na ‘yan gusto namin yung sa laro mismo, yun ang inaatupag namin ‘yang ganyang aberya normal yan,” ani Fernandez. — sa panayam ng Ratsada Balita.