Nasungkit na ng Team Philippines ang unang panalo sa 30th Southeast Asian Games, ilang araw bago ang pormal na pagbubukas ng palaro.
Sa pamamagitan ito ng national womens floorball team na nagrehistro ng 8-1 panalo kontra sa Indonesia.
Isinagawa ang torneo sa UP College of Human Kinetics sa Quezon City.
5 sa 8 goals ng Philippine team ay nagmula kay Jade Rivera.
Magpapatuloy ang laro ng Martes, November 27.