Nanawagan si Environment Secretary Roy Cimatu sa Kongreso na suportahan ang panukalang magtatag ng sariling enforcement bureau ang ahensiya.
Ito ay sa gitna na rin aniya ng pagtaas sa bilang ng mga pinapatay na tauhan ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Cimatu, nakakaalarma at nakagagalit ang dumaraming bilang ng mga pinatay na empleyado ng DENR na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin.
Iginiit ni Cimatu, mabibigyan ng mas malakas na enforcement powers ang DENR kung magkakaroon ito ng sariling enforcement bureau.
Kasabay nito, tiniyak naman ng kalihim na hind sila aatras bagkus ay mas paiigtingin pa ang kanilang mga programa laban sa mga lumalabas sa environmental laws at sumisira sa kalikasan.
Noong nakaraang linggo, pinagbabaril si Community Environment and Natural Resources Office Special Investigator Joash Peregrino sa tapat ng DENR office sa Bislig City, Surigao Del Sur.