Magpapatuloy ang kampanya ng Department of Health (DOH) na sabayang patak laban sa polio sa Metro Manila at Mindanao.
Kasunod ito ng panibago na namang kaso ng polio na naitala sa Basilan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naitala ang matagumpay na 96% immunization coverage sa naturang mga lugar.
Magpapatuloy aniya ang round 2 polio immunization drive sa National Capital Region (NCR) at Mindanao hanggang December 7 at round 3 naman na Enero.
So far, wala namang lumalabas mula sa ating surveillance activities, yung ating mga environmental samples ay wala namang nagpapatunay na merong transmission sa labas ng NCR at Mindanao,” ani Duque. — sa panayam ng Ratsada Balita.