Aprubado na sa Committee on Metro Manila Development ang panukalang batas para sa paglalagay ng rainwater harvesting facility sa lahat ng development projects sa Metro Manila.
Ayon kay Cong. Kit Belmonte, sa ilalim ng panukala, ang lahat ng bagong institutional, commercial, industrial at residential development projects sa NCR ay kailangang maglagay ng pasilidad na kukulekta sa tubig ulan.
Maliban sa malaking tulong para maibsan ang baha, solusyon din umano ito para sa problema sa kakapusan ng tubig sa panahon ng tag tuyot.