Bigo pa rin ang Dept. of Justice (DOJ) na iprisinta ang sinasabing report ng Anti Money Laundering Council hinggil sa di umano’y pagtanggap ng drug money ni Senador Leila De Lima.
Batay sa statement ng kampo ni De Lima, work in progress umano ang pahayag ng prosecutor hinggil sa AMLC report sa hearing ng kaso laban kay De Lima noong November 22.
Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, isa sa mga abogado ni De Lima, hindi nila maiwasang isipin na kasalukuyan pang inaayos ang AMLC report upang umakma sa kwento ng prosecution.
Sa pinakahuling hearing ng kaso, inamin ng prosecution na wala sa pangalan ni De Lima ang bank accounts sa BDO kung saan idinedeposito di umano ng drug convicts ang drug money para kay De Lima.
Matatandaan na ilang beses nang humihingi ng detalye ng BDO accounts ang kampo ni De Lima subalit sinasabi ng prosecutors na hindi na nila ito isu subpoena dahil magsusumite naman sila ng AMLC report.