Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang 4.1 trillion pesos national budget para sa susunod na taon.
Bumoto ang 22 senador ng yes samantalang wala namang bumoto ng no at wala ring nag abstain.
Hindi naman nakaboto sina Senador Leila De Lima na naka detain at wala naman sa pagdinig si Fighting Senator Manny Pacquiao.
Matapos makalusot sa ikalawang pagbasa o period of amendments, agad na itong isinalang sa third and final reading.
Naka certified urgent na ang pambansang budget kaya’t hindi na inobserbahan ang three day rule.
Matapos makapasa sa Senado ay isasalang na ang 2020 national budget sa Bicameral Conference Committee meeting ng Kongreso — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)