Kinumpirma ng veterinarian ng Quezon City na naglibing sila ng mahigit 100 baboy na may African Swine Fever (ASF) sa Pook Arboretum Block 2 sa loob ng UP Campus.
Ayon kay Dr. Ana Mari Cabel, ang mga baboy na nagpositibo sa ASF mula sa Pook Amorsolo sa kabilang bahagi ng UP Campus ang inilibing nila sa Pook Arboretum.
Wala naman anyang dapat ireklamo ang mga residente dahil napakalayo sa mga kabahayan ang pinaglibingan nila sa mga baboy at ginawa naman nila ang tamang proseso.
Kinakilangan anyang ilibing ang mga baboy na may ASF sa barangay na dati nang mayroong kaso ng ASF upang hindi ito kumalat sa ibang lugar.
Una rito, natuklasan ng mga residente ng Pook Arboretum ang mga baboy na nailibing sa kanilang lugar matapos na umalingasaw ang masamang amoy mula sa burial site.