Pormal nang naghain ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros upang imbestigahan ang di umano’y kontrol ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nangangasiwa sa transmission ng kuryente patungo sa mga kabahayan.
Ayon kay Hontiveros, mahalagang malaman ang lawak ng kontrol ng state grid corporation ng China sa NGCP lalo pang 40% ng kumpanya ang kanilang pagmamay-ari.
Nagpahayag ng pangamba si Hontiveros sa posibilidad na masabotahe ang Pilipinas sa sarili nitong bakuran.
National security concern talaga ito sa atin; banta, hindi lamang sa ating electrical supply, pati nga sa ating national security, pati sa pang-araw-araw na buhay natin mga Pilipino,” ani Hontiveros.