Inakusahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations ng kawalan ng matinding parusa laban sa mga pirata na nambibiktima ng mga Filipino seamen.
Tinawag pang inutil ng Pangulo ang UN na una nang nagpahayag ng pagiging kritikal sa war on drugs ng gobyerno.
Ayon sa pangulo, bigo ang UN na maisulong ang kapayapaan sa mundo dahil hindi nito napipigilan ang mga giyera.
Ipinaalala ng pangulo sa South Korea ang sinabi niya rito na magpapadala ng isang navy ship matapos madukot ng mga armadong kalalakihan sa isang water project site sa Western Libya nuong Hulyo 2018 ang isang South Korean at 3 Pinoy engineers na pinalaya rin naman nuong Marso.