Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas paigitingin pa ang kampanya kontra illegal recruiters.
Ayon sa pangulo, umaasa siyang makagagawa ng mas magandang istruktura ang dalawang ahensya para masugpo ang mga illegal recruiters sa bansa.
Binigyan din ng derektiba ni Pangulong Duterte ang mga naturang ahensya na balikan ang mga bagong kaso ng pang aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Magugunitang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Department of OFW na tututok sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa.