Pumalo na sa higit 5,000 katao ang naitalang namatay sa Democratic Republic of Congo dahil sa tigdas ngayong taon.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang measles outbreak sa naturang bansa ang tinaguriang isa sa pinakamalaking outbreak na naitala sa buong mundo.
Sa ngayon, may kabuuang bilang na 250,270 ang kaso ng tigdas sa Congo samantalang 5,110 naman ang namatay.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna sa mga mamamayan ngunit inaasahang sa Disyembre pa ito matatapos.
Magugunitang noong Setyembre ay sinimulan ng Congo ang emergency vaccination campaign laban sa tigdas.