Libreng ipamimigay ang ticket sa ilang mga sporting events sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano, napagpasiyahn ng organizing committee na gawin nang libre ang panonood sa ilang mga larong hindi pa sold out ang ticket.
Alinsunod na rin aniya ito sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman sinabi ni Cayetano, hindi na saklaw ng maipamimigay na libreng ticket ang basketball, football at volleyball dahil sold out na ang mga ito.
Yung sa closing ceremony, more or less than 10,000 tickets will be given out for free so, this will be in the ticketing pa din, will announced saan-saan meron yun, ba’t yung sa games sold out yung basketball, volleyball atsaka kapag Philippines ang lumaban sa football. So, what we will do is yung mga LGU’s na malapit sa venues or may sakop sa venues tinatawagan namin ngayon yung Mayor’s if pwede silang mag-assign ng tao at doon kunin ang ticket sa kanila, if you’re in the area ‘wag mo asahan na basta ka papasukin but sometimes they have a couple of tickets there,” ani Cayetano.
Samantala sinabi naman ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, hindi na nila maire-refund pa ang mga nakabili na ng ticket pero bibigyan na lamang ang mga ito ng treats at ilalagay sa magandang puwesto.
To support other sports that are not popular in the SEA Games and not known to the Pilipino’s so, that’s the intention and we’re very happy, we’re very glad that the President gave the instruction for the Pilipino people and maybe not only Pilipino all the residents of the Philippines to watch the games for free. There is no refund we’ll put them in the best location because they bought the tickets, I cannot blame them because they bought the tickets earlier online. So, we’ll give them some free ice cream or free donuts as a premium,” ani Suzara.