Magsisimula na ang Land Transportation Office (LTO) ng delivery sa mga plaka ng mga sasakyan na naka–registro nuong January hanggang June 2016.
Ayon sa LTO, magsisimula ang partila delivery ng motor vehicle plates sa Lunes, December 2.
Pinayuhan ang mga may–ari ng sasakyan na makipag ugnayan sa kanilang mga car dealers para sa availability ng plaka o kaya naman ay tignan online sa MV plate inquiry ng LTO sa lto.net.ph.