Iginiit ng France na hindi ito tatanggap ng refugees na higit sa 30,000 na ipinangako nitong tanggapin sa loob ng dalawang taon.
Ayon kay French Prime Minister Manuel Valls, hindi maaaring ampunin sa Europa ang lahat ng mga mamamayang tumakas sa giyera mula sa Syria.
Sinasabing nagkasundo ang 28 bansa sa Europa na tatanggap lamang ito ng kabuuang 160,000 refugees.
Subalit, giit ni Valls, umaabot na sa 200,000 foreigners ang pumapasok na sa Europa kada taon sa pamamagitan ng reunification, student programs at economic migration.
By Jelbert Perdez