Nagpatupad na ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Camarines Sur sa mga lugar na inaasahang matinding maapektuhan ng bagyong Kammuri o Tisoy.
Sa ipinalabas na memorandum ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte, kanya nang inatasan ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management Council na simulan nang palikasin ang mga naninirahan sa mababang lugar.
Gayundin ang mga nakatira malapit sa gilid ng bundok, lugar na madaling bahain at tamaan ng storm surge at mga residenteng may mga bahay na madaling masira.
Ayon kay Villafuerte, kinakailangang ipatupad ang evacuation ngayong araw hanggang bukas.
Samantala, sinabi naman ni Sagñay Camarines Sur Disaster Risk Reduction and Management Officer Don Panoy, sisimulan nilang ipatupad ang forced evacuation sa Lunes.