Pinatawan ng hanggang 20 taong pagkakabilanggo ng isang korte ang Presidente ng bansang Suriname na si Desi Bouterse dahil sa pagkakasangkot sa mga kasong pagpatay noong 1982.
Ang Suriname ay isang maliit na bansa na matatagpuan sa Northeastern Atlantic Coast ng South America.
Batay sa desisyon ng ‘panel of three judges’, si Bouterse umano ang nanguna sa ilang operasyon noong 1982 kung saan 15 mga kritiko ng gobyerno ang dinukot at pinatay, kabilang ang ilang abogado, mamamahayag at guro.
Wala pa namang inilalabas na arrest order ang mga hukom laban kay Bouterse na kasalukuyang nasa official trip sa China.