Binigyang-diin ni Senator Sherwin Gatchalian na may kalayaan si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang kanyang sarili bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa senador, batid ng lahat na prayoridad ng pangulo ang peace and order ng bansa kaya’t prerogative aniya nito na i-apppoint ang sarili, lalo na’t nahihirapan ang punong ehekutibo na makahanap ng tapat na susunod na chief PNP.
Giit ng mambabatas, dapat na magsilbing babala na ito sa lahat ng miyembro ng PNP dahil tanda ito na seryoso ang pangulo na malinis ang pambansang pulisya mula sa hanay ng mga tiwaling police officers.
Ngunit ayon sa senador, mas mainam parin na kalaunay magtalaga na si Pangulong Duterte ng permanenteng PNP chief dahil sa dami narin ng kanyang kailangan pagtuunan ng pansin para sa kapakanan ng bawat Pilipino.