Pumanaw kagabi, ang kasalukuyang gobernador at dating congresswoman ng Samar na si Gov. Milagrosa Tan sa edad na 61 taong gulang.
Ayon kay Samar 2nd District Representative Sharee Ann Tan, namatay ang kanyang inang si Governor Milagrosa dahil sa atake sa puso habang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.
Sinabi ni Congresswoman Sharee Ann, agad nilang iuuwi pabalik ng Samar ang labi ng kanyang ina oras na gumanda na ang panahon.
Kanila rin aniyang iaanunsyo sa mga susunod na araw ang detalye sa burol ni Governor Milgrosa Tan.
Magugunitang hinatulan ng Sandiganbayan na guilty si Governor Yan sa 8 bilang ng graft dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng P16.1-milyon na halaga ng emergency supply noong 2001.