Isang babae ang patay matapos makaladkad ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Biñan, Laguna kagabi, Nobyembre 30.
Kinilala ng Biñan PNP ang biktima na si Mary Anne Valenzuela, 21 años at pasahero ng isang SUV na minamaneho ng isang Joel Pablo, 28 años.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hindi umano napansin ni Pablo ang paparating na tren nang dumaan sila sa riles habang nag-uusap.
Inabot ng pitong oras bago maalis ng sasakyan ang katawan nila pablo at valenzuela matapos mabangga at makaladkad ng tren
Nagawa pang maisugod sa ospital ang dalawang biktima kung saan, nagtamo ng mga sugat si Pablo habang hindi na umabot pa ng buhay si Valenzuela.