Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom na siya ng maintenance drugs at regular na sumasailalim sa check-up para sa kaniyang vital signs.
Sinabi ng pangulo na lahat ng mga ka-edad niya o nasa 74 na taong gulang na ay mayroong maintenance drug tulad ng aspirin para sa puso.
Ayon sa pangulo, hindi naman pupuwedeng maging healthy o malusog habambuhay kaya’t kailangang maggamot lalo na kung nagtatrabaho ka pa.
Ipinabatid ng pangulo na regular na mino-monitor ang kaniyang body temperature at blood pressure na ginagawa rin naman sa mga nakalipas na naging pangulo ng bansa.