Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba hinggil sa 40% stake ng isang Chinese firm sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Iginiit ng pangulo ng walang dahilan para ipasara o i-shut down ng China ang transmission grid ng bansa tulad nang kinatatakutan ng ilang sektor.
Ayon sa pangulo, tumutulong lamang ang China dahil talagang hindi kakayanin ng bansa ang operasyon ng transmission grid ng bansa para sa mas maayos na serbisyo.
Gayunman, ginamit ng pangulo ang pagkakataon para direktang tanungin si Chinese President Xi Jinping hinggil sa security concerns na sinasabi ng ilang personalidad sa gobyerno dahil hindi siya naniniwalang may personal na interes ang China sa power grid.