Binigyang pagkilala ng Malakanyang ang mga tagumpay at kagalingang ipinamamalas ng mga atletang Pinoy sa ginaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mahigpit silang nakaantabay sa mga performance ng mga manlalaro ng Pilipinas.
Lubos aniya, nilang ikinagagalak ang mga nakukuhang tagumpay ng Philippine team na isang magandang resulta ng mga paghihirap na pinagdaan ng mga ito sa training.
Kasabay nito, nagpaabot ng pagbati si Panelo sa mga atletang nakasungkit na ng mga medalya at nagbibigay ng karangalan sa bansa.
Hiling din aniya ng Palasyo ang tagumpay ng iba pang manlalarong Pinoy na sasabak pa lamang sa palaro sa mga susunod na araw.