Target ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang zero casualty record sa pagtama ng bagyong Tisoy sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay NDRRMC executive director Ricardo Jalad, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation ang maraming Local Government Units (LGUs) lalo na sa mga lugar na posibleng magka landslide at mataas na lebel ng baha.
Maaga na rin anyang nagsuspindi ng klase ang mga LGUs sa mga lugar kung saan malakas na tatama ang bagyo, kinansela na ang mga domestic at ilang international flights gayundin ang mga biyahe sa karagatan.