Tuluy-tuloy at malakas ang buhos na ulan na nararanasan ngayon sa maraming lalawigan sa Bicol Region at MIMAROPA.
Batay sa heavy rainfall warning ng PAGASA, mag-a-alas-6 ng umaga nang itaas ang red warning level sa mga nasabing lalawigan.
Nakataas na rin ang red warning level sa Albay, Camarines Sur, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Burias Island.
Ibinabala ng PAGASA ang severe flooding sa mga naturang lalawigan lalo na sa mga mabababang lugar.
Maaari ring makaranas ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone areas.
Orange warning level naman ang nakataas sa Sorsogon, Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao Islands.
Dakong alas-8 ngayong umaga naman nang itaas din ang orange warning sa Camarines Norte, Quezon Province,
Habang yellow warning level sa Northern Samar.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon sa kanilang lugar.
Pinakikilos din ang local Disaster Risk Reduction And Management Offices sa epekto ng patuloy na malakas na buhos ng ulan.