Humina pa ang Bagyong ‘Tisoy’ habang binabagtas ang hilagang bahagi ng Mindoro Provinces.
Batay sa 2PM weather bulletin ng PAGASA, naglandfall muli ang Bagyong ‘Tisoy’ sa Naujan, Oriental Mindoro dakong alas-12:30 ng hapon ngayong Martes, December 3.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Tisoy’ kaninang 1PM sa bahagi ng Baco, Oriental Mindoro.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 195 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 kph.
Makararanas ngayong hapon ng madalas hanggang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces at CALABARZON; habang panaka-naka hanggang madalas na pagbuhos ng malakas na ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Bicol Region at Central Luzon; at pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Aklan, Antique, Capiz at northern portions ng negros Provinces.
Posible namang makaranas ngayong hapon hanggang Miyerkules ng umaga, December 4, ng madalas hanggang patuloy na malakas na buhos ng ulan sa Mindoro Provinces, Metro Manila, Central Luzon, Rizal at Northern Quezon kabilang na ang Polillo Islands; panaka-nakang malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Marinduque, Romblon at nalalabing bahagi ng CALABARZOB; habang pabugos-bugsong malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Calamian Islands.
Pinapayuhan ang mga residente sa naturang lugar na mag-ingat dahil sa posibleng maranasang pagbaha at landslides.
Tinatayang makararanas naman ng hanggang 3-meters na storm surge sa mga coastal areas sa Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, Cavite at Batangas.
Inialis naman na ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa Ilocos Sur, Biliran, nalalabing bahagi ng Northern Samar, northern Negros Occidental, Guimaras at Leyte.
Samantala, nakataas naman ang TCWS No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Southern portion ng Quezon (Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio),
- Marinduque,
- Oriental Mindoro,
- Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island,
- Batangas,
- Cavite, at
- Laguna.
Nakataas naman ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Burias Island,
- Romblon,
- northern portion ng Camarines Sur ( Cabugao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego), Camarines Norte, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan),
- Rizal,
- rnalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands,
- Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan),
- Zambales,
- Pangasinan, at
- Northen Aklan (Malay, Buruanga, Nabas, Ibajay) and northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan).
TCWS No. 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:
- Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin),
- Benguet,
- Nueva Vizcaya,
- La Union, Quirino,
- nalalabing bahagi ng Aurora,
- northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran),
- nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya),
- Masbate kabilang ang Ticao Island,
- Albay,
- Sorsogon, at
- Catanduanes
- Western portion ng Northern Samar (Capal, San Antonio, San Vicente), Lavezares, Allen, Biri, Rosario, Victoria, San Jose, San Isidro, Bobon, Catarman, Lope de Vega),
- northwestern portion ng Samar (Calbayog, Tagapul-am, Almagro, Sto. Niño),
- Capiz,
- Iloilo,
- nalalabing bahagi ng Aklan, at
- nalalabing bahagi ng Antique.