Nananatiling walang kuryente sa maraming lalawigan na binayo ng bagyong Tisoy.
Kabilang dito ang Dasmarinias City, Mendez Nuniez , Indang at Alfonso, Tagaytay City at ilang barangay ng Maragondon sa Cavite.
Nauna nang naputol ang kuryente sa maraming lugar sa Bicol, Visayas at Quezon na nauna nang sinalanta ng bagyo.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, wala pa ring kuryente sa malaking bahagi ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Maging ang komunikasyon sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas ay putol na rin kasama na ang komunikasyon ng Philippine Coastguard sa Bicol Region.