Nakatutok ngayon ang Local Government Units sa pagpapanumbalik ng operasyon ng kanilang airports.
Sa Legaspi City, heavy damage kung ilarawan ng Civil Aviation Authority ang tinamo ng passenger terminal building samantalang nagtamo ng minor damages ang fire shed ng paliparan.
Wala naman umanong tinamong pinsala ang control tower ng Legaspi Airport maliban sa nawalang markings ng runway.
Bagamat naapektuhan ng bagyo, balik na sa normal na operasyon ang flight service station ng Virac Catanduanes Airport.
Sa Western Luzon, nagsuspindi lamang ng tower operations ang Busuanga Airport dahil sa malakas na hangin at ulan.
Samantala, partially damaged naman ang Marinduque Airport.