Bumagsak ang suplay ng kuryente sa maraming probinsya sa Luzon at Visayas bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.
Ilan sa mga nawalan ng kuryente ay ang Bicol, Batangas, Laguna at Quezon Province.
Ayon kay Frank Mabitazan, deputy head ng National Grid Corporation of the Philippines, kailangan pang suriin ang sitwasyon sa Bicol matapos ang pananalasa ng bagyo kaya’t hindi pa umano masasabi sa ngayon kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng kuryente.
Gayunman hindi naman aniya aabutin ng isang linggo bago maibalik ang kuryente sa ibang lugar.
Nasa 28 electric cooperatives ang nakaranas umano ng power interruption kung saan naapektuhan ang mahigit 1.7 milyong apektadong kustomer.