Umabot na sa mahigit 5,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa.
Ito ay batay sa pinaka huling pagtataya ng Philippine Coast Guard (PCG), Martes ng gabi.
Ayon sa PCG, ang mga stranded na pasahero ay mula sa mga pantalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.
Umabot naman sa mahigit 1,000 rolling cargoes ang sinuspindi ang operasyon, gayundin ang 42 vessels at motorbancas.
Kasabay nito, tiniyak ng PCG na kanilang mahigpit na ipatutupad ang panuntunan sa paglalayag sa karagatan ngayong hindi maganda ang lagay ng panahon.