Itinakda na ng Sandiganbayan 5th Division sa Oktubre 12, ang pagpi- presinta ni Sen. Jinggoy Estrada ng kanyang mga ebidensya para sa kanyang petisyon na makapag-piyansa.
Ito ay sa kanyang kasong plunder, dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam na umano’y binuo ni Janet Lim-Napoles.
Kahapon ay tinapos na ng prosekusyon ang pagpi-presinta ng kanilang ebidensya laban sa senador.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)