Please refresh page for updates.
Nanatiling matatag ang standing ng Pilipinas sa nagapapatuloy na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon sa Phililippine Sports Commission (PSC), pumalo na sa kabuuang 108 medalya ang nahahakot ng team Pilipinas dahilan para manatili ito sa unang pwesto nang may pinakaraming nasusungkit na medalya sa nasabing kompetisyon.
Sa nasabing bilang, 54 dito ang gintong medalya, 35 ang pilak na medalya at 19 ang tansong medalya.
Nanatili pa rin naman sa ikalawang pwesto ang Vietnam na mayroon ng kabuuang 76 na medalya kung saan 23 rito ang ginto, 28 ang pilak at 25 ang tansong medalya.
Samantala, nasa ikatlong puwesto naman ang Malaysia na mayroong 46 na medalya na sinundan naman ng Indonesia at Singapore.
MEDAL TALLY | #SEAGames2019 (as of Dec. 4, 4PM)
Source: https://t.co/xELTSxM5zS pic.twitter.com/sUXT90kM4S— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 4, 2019
Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinaka-maraming medalya sa 30th Southeast Asian Games. (as of 1PM).
Nasa kabuuang 103 medalya na ang nahakot ng team Pilipinas sa ika-apat na araw ng 2019 SEA Games.
Sa naturang bilang, 51 dito ang gintong medalya, 33 dito ang pilak na medalya at 19 ang tansong medalya.
Narito ang kabuuang medal tally (as of 1PM):
MEDAL TALLY | #SEAGames2019 (as of Dec. 4, 1PM) Source: https://t.co/xELTSxuuIk pic.twitter.com/iFo4m0OsqJ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 4, 2019
Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinaka-maraming medalya sa 30th Southeast Asian Games. (as of 10AM).
Ito ay matapos humakot ng kabuuang 97 medalya ang team Pilipinas sa ika-apat na araw ng 2019 SEA Games.
Sa naturang bilang, 49 dito ang gintong medalya, 31 dito ang pilak na medalya at 17 ang tansong medalya.
Unang humakot ng gintong medalya ngayong araw ang Team Pilipinas para sa obstacle course racing 400m team assist event.
Nasungkit din ng Team Pilipinas ang gintong medalya para sa Obstacle Course Race 400m Team Relay event.
Samantala, pumapangalawa naman ang Vietnam na mayroon ng 75 medalya; 23 rito ang ginto, 27 ang pilak at 25 ang tanso.
Sinundan naman ito ng Indonesia na nasa ikatlong pwesto at Thailand na nasa ika-apat na puwesto.
Narito ang kabuuang medal tally (as of 10AM):
MEDAL TALLY | #SEAGames2019 (as of Dec. 4, 10AM) Source: https://t.co/xELTSxM5zS pic.twitter.com/sxLSkMekXS
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 4, 2019