Iginiit ng ilang miyembro ng U.S. Congress ang matibay at overwhelming na mga ebidensya ng misconduct laban kay U.S. President Donald Trump.
Nakasaad din sa Trump-Ukraine impeachment inquiry report ang napakarami ring ebidensya ng Obstruction of Congress laban kay Trump.
Bago inilabas ang draft report ng impeachment, binanatan ni Trump ng democrats na nasa likod ng impeachment trial at sinabing ito ay walang kuwenta.
Ilang beses na ring itinanggi ni Trump na kaniyang pina-iimbestigahan ang katunggali nitong si dating U.S. Vice President Joe Biden nang tawagan niya ang pangulo ng Ukraine.