Nais rin ng pamahalaan na i-cover ng live ang pagbaba ng hatol sa mga akusado sa Maguindanao massacre.
Hiniling ng Presidential Task Force on Media Security sa Korte Suprema na payagan ang Presidential Communications Operations Office, Radio Television Malacañang, Phil. News Agency at PTV 4 na i-ere ng live ang pagbaba ng hatol sa December 19.
Nauna nang naghain ng kahalintulad na petisyon sa Korte Suprema ang National Union of Journalists of the Philippines, Center For Media Freedom and Responsibility at Phil. Center for Investigative Journalism .
Ang petisyon ng media organizations ay sinuportahan ng ibat ibang news organizations tulad ng ABS-CBN, GMA News, TV5 at iba pa.