Inihirit ng Presidential Task Force on Media Security sa Korte Suprema na magkaroon ng live coverage sa pinakaaabangang promulgation ng kontrobersiyal na Maguindanao Massacre case.
Ayon kay Undersecretary Joel Egco, layon nitong mailahad sa publiko ang blow by blow account ng magiging hatol ng Quezon City Regional Trial Court branch 221 gayundin ang makapanayam ang mga personalidad na sangkot sa krimen. Aniya, hindi lamang mga Pilipino kundi maging ang buong mundo ay nakaabang sa magiging hatol ng Korte Suprema.
Inaasahang sa susunod na linggo ay matatanggap ng Malakanyang ang tugon ng Korte Suprema habang sa December 19 naman ang promulgation.
This is an international event talagang napaka-historic nito, ang tawag ko dyan ay ‘promulgation of the century’ or ‘the trial of the century’. Gusto po namin sa pamahalaan na tayo naman ang may obligasyon na sa freedom of information at access to information na blow by blow ipakita natin magiging kaganapan doon,” ani Egco. — sa panayam ng Ratsada Balita.