Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na may hakbang na ginagawa ang kagawaran matapos lumabas ang resulta ng performance assessment na ginawa sa mga Pilipinong mag-aaral.
Lumabas kasi na pinakamahina ang mga Filipino student pagdating sa reading comprehension, science at mathematics mula sa mga bansang kabilang sa Programme for International Student Assessment (PISA).
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Annalyn Sevilla, sa katunayan aniya ay marami nang existing na programa para sa pagsusulong ng kalidad na edukasyon.
We launch a national campaign –which we call the ‘Sulong EduKalidad’. We will be shifting our focus, we want to focus on four key areas which we call the KITE; ‘K’ will be the K-12 review of the curriculum and if there’s an updating that we need –we have to do it; then letter ‘I’ is the improvement of our learning environment; then letter ‘T’, ang critical po talaga sa isang quality education ay ang mga guro, teachers, letter ‘E’ is engagement of all stakeholders for support and collaboration,” ani Sevilla.
Kasabay nito, nilinaw ni Sevilla, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa PISA para makita kung epektibo nga ba ang mga polisiya at programang inilulunsad ng kagawaran sa mga mag-aaral. —sa panayam ng Ratsada Balita