Deklarasyon ito mismo ni Environment Secretary Roy Cimatu.
Ayon kay Cimatu, problema na sa kultura at ugali ng mamamayan ang ugat ng krisis sa basura.
Sa Metro Manila lamang anya ay umaabot na sa halos 35,000 cubic meters ang basura sa unang tatlong buwan lamang ng 2019 at karagdagang mahigit sa 32,000 cubic meters mula Abril hanggang Hunyo.
Ibig sabihin, lampas na anya ito sa tinataya nilang halos 59,000 cubic meters ng basura para sa kabuuan ng 2019.