Abot na sa dalawang bilyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Tisoy sa sektor ng agrikultura.
Sa inisyal na datos ng Department of Agriculture (DA), mahigit sa 100,000 metriko tonelada ang production loss ng mga magsasaka mula sa Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon, at Western Visayas.
Apektado nito ang mahigit sa 20,000 magsasaka at halos 48,000 ektarya ng taniman.
Pinaka naapektuhang pananim ang palay at mais samantalang marami ring livestock at pasilidad para sa agrikultura ang nasira sa bagyo.
Kaugnay nito, mahigit sa P181-milyong ayuda ang ikinasa na ng DA para pambili ng palay, mais, high value crops, livestock, coconut seedlings, credit fund ,relief goods, at fishing paraphernalia.