Asahan na ang dagdag singil sa tubig sa pagpasok ng unang buwan ng 2020.
Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), tataas ng mahigit kumulang sa P3 ang singil sa kada cubic meter ng dalawang water concessionaires:
- Maynilad: P2.98 per cubic meter
- Manila Water: P2.84 per cubic meter
Ito’y matatapos aprubahan ng MWSS kahit pa na inirekomenda ni Patrick Ty, chief regulator ng ahensya, ang pagpapaliban sa dagdag singil.
Magugunitang pinapabago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y maanumalyang kontrata ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.
Giit ng pangulo, hindi makatwiran ang pagtaas singil ng tubig ng dalawang kumpanya dahil pinapasa umano ng mga ito ang ilang fees na hindi dapat binabayaran ng mga consumer.