Nakumpleto na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagbabalik sa normal ng suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ng nagdaang bagyong tisoy sa Camarines Sur.
Ito’y matapos magbalik operasyon na ang naga-libmanan 69 KV transmission line gayundin sa Naga-Tinambac transmission line na siyang nagbibigay kuryente sa Camarines Sur Electric Company 1 Casureco.
Ayon sa NGCP, sa kasalukuyan ay may 500 linemen ang nagta-trabaho ng 24 oras sa mga lugar na nalubog sa baha sa katimugang Luzon.
Kabilang na rito ang Daraga-Sorsogon transmission line, Naga-Iriga transmission line, Daraga-Sto. Domingo; Daraga- Legaspi, Sorsogon-Bulan at Daraga-Ligao transmission lines.
Partially restored na rin ang kuryente sa bahagi ng Visayas partikular na ang Calbayog-Palanas, Catarman-Allen-Lao transmission lines.
Bukod dito, mayroon pang 9 na 230 KV line ang hindi pa rin naaayos na nakakaapekto sa transmission services sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Ginagawa na rin ng mga line crews ng NGCP ngayon ang aerial at ground patrol para makita at ma-assess ang pinsala sa kanilang pasilidad.