Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Catanduanes matapos matinding masalanta ng Bagyong ‘Tisoy’.
Ayon kay Catanduanes Acting Governor Shirley Abundo, mas mabilis nang maipalalabas ang emergency funds ng lalawigan at makapagpatupad ng prize freeze sa mga pangunahing bilihin kasunod ng deklarasyon.
Batay sa pinakahuling tala ng mga otoridad, pumalo sa mahigit P200-milyon ang kabuuang halaga ng pinsala ng Bagyong ‘Tisoy’ sa agrikultura sa Catanduanes habang P17-milyon naman sa imprastratura.
Samantala, nakapagtala ng isang patay at 13 sugatan sa Catanduanes.