Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, asahan ang dagdag na tatlumpung sentimos sa kada kilowatt hour na katumbas na siyam na piso at walumput anim na sentimong bayarin sa mga komukonsumo ng 200kwh kada buwan.
Paliwanag ni Zaldarriaga, ang taas singil sa kuryente ay bunsod ng pagtaas din ng presyo ng kuryente sa spot market na nagresulta rin ng mga yellow alert.
Nagmahal din umano ng labing pitong sentimo ang generation charge.