Hinikayat ni House Committee on Health Vice Chair at anak Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang national dengue prevention and control program ng Department of Health (DOH) na muling pag-aralan ang programa kontra dengue.
Ito ay ayon kay Defensor dahil hindi epektibo ang programa kontra dengue matapos maitala ang average na halos 200,000 kaso ng dengue at mahigit 700 ang death toll sa loob ng limang taon.
Sa taong ito nakapagtala ang DOH ng mahigit 400,000 dengue cases mula January 1 hanggang November 16 o mas mataas ng 92% kumpara sa mahigit 200,000 kaso sa parehong panahon noong 2018.
Tumaas din ang bilang ng mga namamatay sa sakit na dengue na nasa 40% o mahigit 1,000 ngayong 2019 kumpara sa 1,000 noong 2018.
Hiniling din ni Defensor sa gobyerno na gayahin ang Malaysia na tulad ng Pilipinas ay mayroong mataas na kaso ng dengue at pag-aralan din ang walbachia bacteria na pumapatay sa dengue virus.