Kinumpirma ng Public Attorney’s Office (PAO) na nawawala ang internal organs ng ika-150 hinihinalang nasawi dahil sa dengvaxia.
Dahil dito sinabi ni Dr. Erwin Erfe, pinuno ng PAO forensic team na pansamantala nilang itinigil ang forensic examination sa labi ng 12 anyos na batang babae.
Una nang kinumpirma ni Erfe tatlong beses na naturukan ng dengvaxia ang nasabing biktima.
Binawian ng buhay ang nasabing biktima nitong nakalipas na Marso.
Nanindigan naman si PAO Chief Atty. Percida Acosta na tuloy ang kanilang pagtulong sa mga biktima ng dengvaxia kahit pa sinasabing iipitin umano nina Senador Franklin Drilon, Sonny Angara at Congresswoman Janette Garin ang budget ng PAO forensic laboratory.