Suportado ng Civil Service Commission (CSC) ang panukalang nagbibigay ng dagdag na bayad sa mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho ng sobra sa kanilang itinakdang oras.
Kasunod na rin ito nang pagkaka-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado sa panukalang nagbibigay ng night differential pay ng hanggang 20% ng kanilang hourly rate mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nabebenepisyuhan ng panukala ang night shift workers tulad ng anti-narcotic agents at Customs and Immigration personnel.