Madaragdagan na ang byahe ng Philippine National Railways (PNR) sa mga susunod na araw.
Ito ay sa pagdating ng anim na bagong diesel multiple unit rail cars na mula sa Indonesia na aarangkada na sa Lunes.
Ayon kay Joselino Geronimo, tagapagsalita ng PNR, ang anim na mga bagong bagon ay bubuo sa dalawang DMU train set ng PNR na siyang makakadagdag ng 18 hanggang 20 biyahe kada raw.
Ang magiging ruta nito ay Tutuban hanggang FTI at Malabon hanggang FTI.
Inaasahan na higit na makikinabang sa bagong rail cars ang mga bumibyahe mula sa southern part ng Luzon hanggang sa Maynila at pabalik.
Kahapon ng umaga ay isinagawa ang official arrival launch para sa mga bagong bagon sa Port Area Manila kung saan dinaluhan ng ilang opisyal ng pamahalaan.