Ibinunyag ni Philippine Fireworks Association President Joven Ong na mayroong “shift” na nagaganap sa fireworks industry sa pagdaan ng mga taon.
Aniya, pati ang dagsa ng mga tao ay nag iba mula nung maisa-legal ang paggamit ng mga pailaw.
As the years go by kasi legal na yung paggamit ng paputok o pailaw nakikita natin na mas marami sa ating mga kababayan na bumibili na lang sa huling linggo, pumupunta yung mga kababayan natin sa mas safe na pailaw at hindi yung mga papunta sa mga fire cracker,” ani Ong.
Nagkaroon aniya ng magandang dulot ang Executive Order number 28 na may kinalaman sa paggamit ng paputok.
Paliwanag ni Ong, nagkaroon ng ibang interpretasyon ang mga Local Government Units sa bansa lalo na sa paggamit ng mga pailaw partikular na sa section 1 at 3 ng naturang EO.
Nakatulong sa lahat yung section 1 na sinasabi na yng firecracker o paputok kailangan lang gamitin sa designated area na itatalaga ng LGU, akala nila yung firecracker ibig sabihin pangkalahatan na hindi, sa section 3 makikita natin ang pailaw o pyrotechnics pinapayagan gamitin sa labas ng kabahayan lang,” ani Ong. — sa panayam ng Ratsada Balita.